Buhay Ginhawa At Hirap (Realization)
![Image](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh5YEuEh3eoJPcbll9w4xQtTBG13vmY8DtnBZxEINNwbKQ9Gtpqm-qNJsH-AiKHxPIyNvtBiaslegO_Pldo9n8qug4aUm3ZMC5B27lW2qlYAV6sycTRihfbmR0ZZmpgnZCXDhkhTgsrvWNf/s1600/1594310806534762-0.png)
Realization ni Joseph Isang bagong graduate na binata ang nag-apply sa isang malaking kumpanya, siya si Joseph. Nakapasa siya sa exam at sa initial interview. Papunta na siya sa Manager ng kumpanya para sa final interview. Bumilib ang Manager sa kanyang resume kaya nagtanong ito. “Iskolar ka ba sa school mo?” Sumagot si Joseph, “Hindi po” “Magulang mo ang nagbabayad ng tuition at expenses mo?” “Opo" Joseph “Ano ang trabaho ng tatay mo?” “Karpintero po” “Ang nanay mo may trabaho din?” “Tumatanggap po ng labada at plantsahin sa bahay” Pinalapit ng manager ang binata at sinabing ipakita nito ang kanyang mga kamay. Lumapit ang binata at ipinakita ang kanyang malambot at makinis na mga kamay. “Tumutulong ka ba sa pagtratrabaho ng mga magulang mo?” “Hindi po, ayaw nila ako patulungin dahil gusto nila na mag-focus ako sa pag-aaral. At isa pa, mas gamay na nila ang trabahong iyon kesa sa akin. Baka magkamali lang po ako.” Sinabi ng Manager, “Sige bumalik ka bukas para sa 2nd s...