MUSIKA ( SPOKEN POETRY )
"Musika"
By Rovic Mejia
May mga bagay tayong nadarama,
Na kadalasan na lamang nating idinadaan sa musika,
Na may mga iba't ibang temang kasama,
Lungkot, pighati at saya.
Ansaya din pala na gumawa ng kanta,
Nakikita ang repleksyon,
Nagagamit ang imahinasyon,
Na kahit sa simpleng kanta'y naroon ang pantasya.
Nakakamanghang ritmo,
Kasunod ng bawat tempo,
Paghihimay-hima
Pagsasama-sama upang mabuo ang paksa nito.
At matapos ang lahat ng proseso,
Kakantahin na lamang sa dulo,
Ang awit na tinatangis-tang
Sana'y makarating ang mensahe ko para sayo
ALL RIGHTS RESERVED 2020
COPYRIGHTED BY RM WRITINGS
PUBLISHED JUNE
Comments
Post a Comment