WAG MO NG IPILIT
WAG MO NG IPILIT
Wag mo ng ipilit
Bakit ba paulit ulit?
Hindi kapa ba sawa sa sakit?
Bakit patuloy ka parin kumakapit?
Itigil na kahibangan
Gumising na sa katotohanan
Wag na natin ipagpilitan
Lalo lang tayo mahihirapan
Alam mong mali bakit mo ilalaban?
Ikaw lang naman ang magiging talunan
Tanggapin mo nalang ang katotohanan
Na hindi sa lahat ng oras kailangan lumaban
Minsan kailangan rin sumuko kung kinakailangan.
Kung magmamahal ka WAG AKO
Hindi dahil sa hindi kita gusto
Kundi dahil hindi ako ang para sayo
Masasaktan lang tayo pareho.
Kung pipili ka WAG AKO
Mahuhulog ka lang at walang sasalo
Dahil hindi ko kayang ipaglaban ang tulad mo
Hindi ko kayang manatili hanggang dulo.
Paulit ulit kong sasambitin na WAG AKO
Wag mo ng ipilit ang gusto mo
Pinapahirapan mo lang ang sarili mo
Dahil hindi ako ang itinadhana sayo.
Hindi tayo pwede kaya WAG AKO
Ibaling sa iba ang atensyon mo
Pilitin mong hindi ako
Kung may pusong mabibigo ang gusto ko hindi sayo
Kaya pakiusap lang, WAG AKO!
Comments
Post a Comment