Bakit dika Pinili?

BAKIT DI KA NAPILI?

Marami tayong nakaranas nito πŸ˜‚ but sana habang binabasa mo to ay matatapos na ang tanong sa isip mo na "binigay ko na lahat, bakit iniwan nya parin ako? Saan ba ako nagkulang?"

1. DI KAPA HANDA- maaring sya na nga ang para sayo at babalik yon after ng mahabang panahon kung tamang panahon na. Babalik yon (wag kang umasa hah basahin mo rin ang ibang reasons) babalik yon kasi ma realize nya na mali ang pinili nya. And he/she will come back to choose you hindi para saktan ka ulit kundi para bumawi. Walang imposible sa Lord (Luke 18:27). Maaring both of you will met again somewhere! May mga cases na ganito. Naghiwalay sila then they've met another persons but still After many years nag meet sila ulit and the sparks was still there. So ang dapat mong gawin ihanda mo ang sarili mo

❤Advice: Don't wait the right person, be a right person! Hindi yong ikaw ang naghahanap but instead ikaw yong hahanapin.

2. HE/SHE'S CHOOSEN FOR SOMEONE ELSE- 
A. Kaya hindi ka pinili kasi may ibang inilaan para sa kanya. Huwag mo na syang habolin o gulohin pa. Kasi kung sila ang inilaan ni Lord para sa isa't isa nakakahadlang ka sa plano Niya!.

B. Kaya hindi ka pinili kasi may ibang nakalaan para sayo. You are choosen for someone else. Kasi may inihanda si Lord para piliin ka! You'll find him/her someday somewhere. Pag dumating na yong taong yon na pinili ni Lord para sayo piliin mo rin sya. Then you will be able to test and approve what God's will is"his good, pleasing and perfect will" (Romans 12:2).

❤advice: Pinili kana ni Lord so piliin mo rin sya. And let God choose someone for you. Unahin si Lord and sya ang bahala sayo!

3. BLESSED SINGLENESS- (1 Corinthians 7:7-8) like Paul, wala talagang inilaan para sayo kasi may higher calling ka to stay single for the Lord. You are choosen by God to follow his decree and to love him with all of your heart and yon ang inilaan ni Lord para sayo. Mas walang stress yon no? πŸ˜

❤Advice: Following God's plan, whether that be marriage or singleness, will result in the productivity and joy that God desires for us.

4. HINDI KA MAKAPAG HINTAY- Perhaps konektado ito sa #1 at #2. But this gonna be different kasi sometimes God will let you meet other persons before the right person for you to learn what is pains and how it feels to be broken. For you to understand what love is. But minsan outside the will of God pinangungunahan natin sya kaya nasasaktan tayo. Kaya naiwan tayo kasi we don't listen sa mga plano ni Lord.

❤ waiting is never boring when you trust yhe will of God.

4. HE/SHE'S A WRONG PERSON- mali syang tao. (Maybe many of you will disagree) Pag nagkatuloyan kayo hindi sya magiging mabuting partner sayo. Hindi sya deserving sayo. Irresponsible yon! Mambogbog yon segi ka πŸ˜ mangangaliwa yon at walang commitment yon talaga nature nya at mataas ang criminal tendency *nakakatakot! He/she don't deserve you! So don't settle for less! You deserve better!
Alam mo, minsan bago natin piliin ay alam natin ang mga background nila kung paano sila lumaki. Lalo na sa psychological aspects.
I don't urge you to judge them but isipin mo na buong buhay mo at buong future mo nakalaan dito pati mga anak mo. You don't strive hard para lang mawasak ang buhay mo!

❤Yong iba pinilit na piliin ang mga ganyang tao; yong iba tama kasi may nagbago pero paano mo naman nasisiguro na hindi ka kasama sa mga gabi gabi ay bogbog sarado? πŸ˜Ž

P.s Pag di tayo pinili natural masakit, natural iiyak at natural mahirap mag move on. Nagmahal ka eh, binigay mo lahat tapos iniwan kalang. Tapos sinaktan ka ng taong minahal mo at akala mo ay hindi mananakit sayo. Pray lang! Laban lang!

©Isinulat ni Rovic Mejia ©


All Rights Reserved 2020

Copyrighted by RM WRITINGS

Published July 10, 2020

Comments

Popular posts from this blog

Ano nga ba ang Scriptwriting o pagsulat ng isang iskrip?

WAG MO NG IPILIT