Mundong Puno ng KAGULUHAN
Mundong Puno ng KAGULUHAN"
📝Isinulat ni Rovic Mejia 📝
Dati ang kalsada ay puno ng saya
Ngayon puno na ng pangamba
Hindi na tayo ligtas
Sa sariling bayan
Biktima ang mga kabataan
Mga patay ng natatagpuan
Ngayon namin kaylangan ang gobyerno
Gobyernong nangako na poprotektahan tayo
Ngunit paano kung ibang alagad ng batas nariy kasabwat ng sindikato
Batas ay Hindi patas
Bulag sa bawat oras
Sindikatoy pinapalampas
Habang panahon ay lumilipas
Lalong mapanganib ang bukas
Mundong puno ng kaguluhan
Patayan walang kaligtasan
Puno ng gera
Nagkalat ang bomba
Kaganapan yan sa Gaza
Dumako tayo sa dating banda
Mga kabataang nawawala
Matatagpuang patay bigla
Mga wala kayong awa
Di nyo ba alam ang salitang konsensya?
Wala ba kayong pamilya?
Masakit Mawalan ng pamilya diba?
Bakit ginagawa nyo pa?
Biruin mo? Umalis sya ng bahay umuwi ng wala ng buhay
Isa rin ako sa nakakaramdam ng kaba
Puno ng takot at pangamba
Ang masayang daan noon nakakatakot na ngayon
Puno ng masasamang tao ang panahon .
Kaylan ang kaligtasan ay muling babangon?
Sa bawat hakbang
May panganib na nakaabang
Ngunit sa gobyerno ay parang wala lang
Natatakot na ang mga kabataan para sa kanilang kaligtasan..
Gobyerno? Ubos na ang kabataan?
Kaylan nyo aaksyunan?
Parating na ang pasko Pero magulo pa ang mundo
Bakit ang tahimik ng gobyerno?
ILang bata PABA ang dapat mawala para aksyonan nyo ito?
Gobyerno pakiusap batas ay ipalaganap
Mga sindikato ay mahanap
Dahil mga kabataan ay marami pang pangarap
Nandito tayo sa mundo na kungsaan magulo
Panahoy nagbabago
Limitado na ang ngiti ng mga tao luha at takot ang nakikita ko
Kaylan nyo aaksyonan?.
Pag ubos na ang kabataan?
Sana lang ang gobyerno'y di magbulagbulagan
Sa mga kaganapan
Kabataan ay tulungan
Ibalik ang kaligtasan sa lansangan
Kami sanay protektahan
Dito sa magulong bayan.
All Rights Reserved 2020
Copyrighted by RM WRITINGS
Published June 24, 2020
Comments
Post a Comment