PAG-IBIG NA DI INAKAALA
"Pagibig na di inakala"
©Isinulat📝 ni Rovic Mejia©
Naranasan mo nabang
Pakiligin ng totoo?
Nakaranas ka na ba ng pag-ibig na walang halong biro?
Naranasan mo na bang mahalin hanggang dulo?
Pag-ibig na walang pagnanasa,
Pag-ibig na walang pananamantala.
Kanyang ginawan ng
makapal na tela,
Nagbuhat pa sa balat ng tupa.
Pag-ibig na di ka iiwan mag-isa,
Kaya kang proteksyunan san kaman mag punta,
Buhay niya'y handang itala para sa kanyang sinta.
Meron pa nga bang ganito sa mundo?
Imposible nang mangyari pa ito.
Ang sagot ko'y isang malaking OO,
OO Ngunit wala Siya dito sa Mundo,
Para sa akin Siya'y isinugo
Siya'y walang iba kundi si Kristo.
Nung una ako ay nalilito,
Aking akala'y walang pag-ibig na ganito,
Sa halip ay hinanap sa tao.
Ngunit nagkamali pala ako,
Mula pa nung una'y minahal niya na ako.
Kaya't salamat Panginoon ko.
All Rights Reserved 2020
Copyrighted by RM WRITINGS
Published June 24, 2020
Comments
Post a Comment